Thursday, 16 February 2012



ALAMAT

 Alamat ng Niyog (The Legend of the Coconut)
















Noong unang panahon sa bundok ng Cristobal ay may isang mabait na ina. Masipag at maalaga sa kanyang mga anak. Talagang napakabuti niya at mahal na mahal ang kanyang mga anak. Dahil sa sampu ang kanyang anak, talagang nahirapan siya sa pag-aaruga sa mga batang ito. Isang araw, nagkasakit ang ina at bigla na lamang namatay. Ang kaawa-awang mga bata ay nag-iyakan at ang sabi nila ay ganito: “ Sino na ang magpapakain sa amin?” tanong ng pinakamatandang anak.
“Sino na ang mag-aalaga sa amin?” tanong ng ikalawang anak. “ Sino na ang maglalaba ng ating damit?” tanong ng ikatlong bata.
Habang sila ay nag-iiyakan, may dumating na isang babae na di nila kilala. Siya’y maganda at maputi. “ Huwag na kayong umiyak” sabi niya. “ Di kayo pababayaan ng inyong ina. Ilibing ninyo siya at magbantay kayo sa kanyang libingan. Makikita ninyo na may tutubo roon na puno. Ang punong iyon ay pagkukunan ninyo ng makakain araw-araw. Biglang nawala ang maputi at magandang babae. Akala ng mga bata ay nananaginip lang sila.
Sumunod naman ang sampung mababait na mga bata. Pagkalibing sa ina nila, binantayan nila ang libingan araw at gabi at pagkatapos ng sandaling panahon ay may nakita na nga silang isang halaman na tumubo. Mabilis ang paglaki nito at kaagad naging isang mataas na puno. Nagtaka ang mga bata dahil sa taas ng puno at sa dami ng bunga nito.
“Marahil aakyatin ko na lamang itong puno.” sabi ng pinakamatanda at dali-dali siyang umakyat at pumitas ng bunga. “Mga ulo ninyo,” ang sigaw niyang babala sa itaas. “Ibabagsak ko ito at buksan ninyo.” Nang biyakin ng ikalawang anak ang bunga, nakita nilang may tubig ito.
“Naku! Ang puti at ang tamis ng tubig,” sabi nila. Tinikman nila ang laman at ang nasabi ay “Ang puti at kay sarap naman ng lasa ng bungang ito.” ang wika ng ikaapat na anak.
Naghulog pa ng maraming bunga ang batang umakyat sa itaas ng puno. Nagkainan at nag-inuman nakita nila na di sila magugutom pang muli. Ang bungang iyon ay kauna-unahang niyog dito sa daigdig. Iyan ang alamat ng niyog.
halaw sa Araling Pambata




pabula


                                            ANG PALAKA AT UWANG


Ang pabulang ito ay tungkol sa pagmamalabis sa kapwa hayop.
  Isa itong kwentong kapupulutan ng aral lalo na sa mga kabataan,sa halip na manira ng iba ay makipagtulungan ,dahil kapag may pagsubok na dumating ay mayroon tutulong sa iyo.
  May kasabihan nga  tayo na "Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sayo"kaya lagi natin tandaan lahat ng masamang gawain ay may katumbas na kaparusahan.




                                                               












Matahimik at masayang namumuhay sina Palaka, Gagamba at Susuhong sa lugar na iyon nang biglang dumating si Uwang. Hindi lamang matakaw ito sa pagkain ng dahon at maingay ang ugong, ito rin ay sadyang mapanudyo. Kapag pinagbawalan o pinagpagunitaan, ito'y nagbabanta pang manakit o maminsala.
Isang araw, tahimik na nanginginain si Susuhong sa tabi ng sapa nang bigla na lamang siyang suwagin ni Uwang. Nahulog siya sa agos at tinangay siya sa dakong malalim. Mabuti na lamang at nakapangunyapit siya sa isang yagit, kaya nakaahon siya sa pampang.
Minsan naman. Gumawa si Gagamba ng isang napakagandang sapot. Ipinagmalaki niya iyon kna Palaka at Susuhong. Natuwa rin ang dalawa at pinuri si Gagamba. Subalit kinabukasan, nang naghahanap ng makakain si Gagamba, hindi niya alam na winasak na ni Uwang ang kanyang sapot. Gayon na lamang ang kanyang panlulumo habang si Uwang naman ay patudyong nagtatawa.
Si Palaka naman ay sinuwag ni Uwang ng mga sungay nito, isang araw na nagpapahinga siya sa may batuhan. Namaga ang kanyang nguso ng ilang araw. Kaya ang magkakaibigan ay nagpasya isang araw. Hahamunin nila sa isang paligsahan si Uwang. Ang ilalaban nila ay si Palaka.
"Payag ako," sabi ni Uwang nang mabatid ang paligsahan. "Kung kayo ay magwagi, lalayasan ko na ang lugar nai to. Kung ako naman ang magwagi, kayo'y magiging sunud-sunuran sa akin."
Nagpalutang sila sa isang malapad na dahon sa gitna ng sapa. Mag-uunahan sina Palaka at Uwang sa pagsakay doon.
"Tiyak na ako ang magwawagi," pagmamalaki ni Uwang dahil alam niyang mabilis niyang maikakampay ang kanyang pakpak.
Sinimulan ang paligsahan. Pumaimbulog pa si Uwang habang si Palaka naman ay mabilis nang glumangoy patungo sa dahon. Mula sa itaas, sumisid si Uwang, patungo sa dahon na inaanod sa gitna ng sapa.
Ngunit nagkasabay sila sa pag-abot sa dahon. Kasabay ng pagsakay dito ni Palaka, dumapo naman si Uwang. Sa bigat nilang dalawa, lumubog ang dahon at kapwa nahulog sila sa tubig. Ang nabiglang si Uwang ay natangay ng agos.
"Tulungan mo ako, Palaka. Hindi ako marunong lumangoy," pakiusap ni Uwang.
Hindi siya pinansin ni Palaka. Umahon ito sa pampang at sinalubong ng mga kaibigang sina Gagamba at Susuhong.
"Mabuti nga sa kanya," sabi ni Palaka nang hindi na matanaw si Uwang.
Mula noon, nagbalik na ang katahimikan at kasayahan ng pamumuhay ng tatlo sa pook na iyon.




.

Wednesday, 15 February 2012

FILIPINO

PANDIWA
      Ito ay salitang nagsasaad ng kilos.
    
    Halimbawa:1.Naglalaro
      Ang mga babae ay naglalaro s tabi ng kalsada.







  
                     







                                                                             2.Naliligo                                                                                    Ang bata ay naliligo.

                   

MATHEMATICS



NUMBERS 1-100

     Skip counting by 2`s.
     Skip counting by 5`s.
       Skip counting by 10`s.
       Skip counting by 20`s.

ENGLISH

VERB
     Is an action word.
      Example:Playing
                     The children are playing.

Laughing also is an example of a verb.
      The girl is laughing.                                                               









Dancing
      The girls are dancing.









                                                                                                                                    












t

Sibika at kultura


BUNDOK
       Isang uri ng anyong lupa na pinakamataas.
       Maari itong taniman ng mga palay,mais,at gulay.









LAMBAK
     ay isang uri ng anyong lupa sa pagitan ng dalawang  bundok.